Huwebes, Hulyo 4, 2013

Feeling ng Palamunin - Hardcore

Hahaha! Naintriga ka sa title ng post no? Aminin?
Siguro sabi mo Hardcore ano to porn? Palamunin? Anu yun? Super lufet kumain na palamunin? Super Nga Nga?


OO tama ka ito yung mga taong nakaka bwiset! As in!

Sino ba to? EDI AKO! Hehehe proud! Eh kailangan eh! Eh di maiiwasan eh! Asar na.... Edi I close agad! :-) Kung di ako palamunin edi wala ka binabasa ngayun.. hehehe...

May Istorya Syempre!
Dati na akong nag tatrabaho siguro mga 18 years old (1998) palang ako hanggang 31 years old May 2013 so mga 23 years na pala ako nag work sa ibat ibang company. Ayun medyo nag sawa sa pag tatrabaho dito pinas kaya ng may working opportunity sa abroad, syempre super grab! Yun nga. Need ko umalis sa dati kong work para paghandaan ang pag alis. Ayun until now NGA NGA!

Dito na nag umpisa ang feeling ng palamunin. Hehehe Actually hindi ako palamunin, feeling ko lang - parang ganun na rin.

Ganito, almost 2 months narin akong bakantae wala work, of course ubos saving! Nga Nga. Syempre malakas kumain at syempre may ibang gastusin. Kaya ubos ubos me utang pa. Negative na! Ayan na, edi syempre asa muna sa puede tumulong.


Ahh di ko maiwasan kumain ng madami as in hardcore parang porn!, eh boring eh wala ginagawa kundi fb, fb,fb fb, syempre may youtube. Hehehe.



Ano nga ba feeling ko bilang isang palamunin? Of course proud kasi natutuwa ako na sobrang bait ng  byenan at hipag ko dahil alam nila ang sitwasyon. At alam ko na hindi nila tinuring na palamunin ako (2 months plang naman eh) hahaha. Pangit pala pakiramdam ng palamunin, yun bang ang hirap kumilos, feeling mo lahat ng kinakain mo isusumbat sayo, feeling mo binibilang kinakain mo, feeling mo habang kumakain ka naka mata yung nagpapakain, pero syempre isip at piling feelingan ko lang yun. Kahit papano naman ay gumagawa ako ng gawaing bahay at tumutulong sa maliit na negosyo. Ganun pala yun.

Kaya sa mga gusto maging palamunin! Mahirap at nakakapagod mag isip! Hehehe!

At least nasubukan ko matagal ko narin gusto subukan yun eh. Ayoko ganun! Hahaha

Kahapon pala dumating na visa ko! Ako naman babawi. Para erase erase erase! Kwits!

Salamat sa oras kain muna ako yung pang harcdcore na parang porn, malufet na kainan!


  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento